MANILA, Philippines - Magpapakalat ng 10,000 pulis ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa pagbubukas ng klase sa Lunes.
Ito ang inihayag ni NCRPO chief Police Director Leonardo Espina, na ang layunin ay mabigyan ng sapat na seguridad ang mga estudyante, matulungan ang Department of Trade and Industry (DTI) sa pagmo-monitor laban sa mga mapagsamantalang negosyante na magtataas ng presyo ng mga school supplies.
Iniutos din ni Espina ang paglalagay ng Police Assistance Desks (PADs) sa lahat ng mga pribado at pampublikong paaralan at pamantasan upang mabilis na makapagbigay ng serbisyo sa mga estudÂyante at maprotektahan ang mga ito sa masasamang eleÂmenÂto ng lipuÂnan.