^

Police Metro

Electrician nangisay sa kuryente

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nangisay at nasawi ang isang electrician makaraan aksidenteng makuryente habang nagkukumpuni ng kawad ng kuryente sa loob ng isang kisame sa isang establishment sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Reggie Dejuno, 42, biyudo ng no. 10 Kalinisan St., Batasan hills, sa lungsod.

Sinabi ni SPO1 Pascual Fabreag, may-hawak ng kaso, nangyari ang insidente sa loob ng kilalang establishment na matatagpuan sa Benefit St., corner Grant St., Project 8, ganap na alas-6:30 ng gabi.

Sinasabing ang biktima ay nagkakabit ng kuryente sa loob ng kisame sa isang establishment habang katulong ang isang Rico Fuentes na taga abot ng materyales.

Habang gumagawa, sinasabing nagkukuwentuhan pa ang dalawa, subalit ilang minuto ang lumipas ay napuna umano ni Fuentes na hindi na kumikibo, kahit ilang beses niya itong tawagin sa loob ng kisame.

Dahil dito, nagpasya si Fuentes na tignan ang kisame kung saan nakita niya ang biktima na walang malay habang nakahiga sa loob nito.

Agad na humingi ng tulong si Fuentes sa kanyang mga kasamahan at isinugod ang biktima sa Quezon City General hospital para magamot pero nasawi rin ito.

Sa pagsisiyasat, ang biktima ay nagtamo ng mga injuries sa kaliwang kamay at dibdib na siyang ikinamatay nito.

vuukle comment

BATASAN

BENEFIT ST.

FUENTES

GRANT ST.

KALINISAN ST.

PASCUAL FABREAG

QUEZON CITY

QUEZON CITY GENERAL

REGGIE DEJUNO

RICO FUENTES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with