MANILA, Philippines -Inabot ng kanyang paÂnganganak ang 35-anyos na ginang nang isilang nito ang sanggol na lalaki sa loob ng isang tren ng Light Rail Transit Authority (Line 1) sa pagitan ng isÂtasÂyon ng Carriedo at DoÂroteo Jose sa Maynila kaÂhapon ng umaga.
Nasa ligtas nang kaÂlagayan si Darlene Idio, ng Piñas City at ang lalaÂking sanggol nito sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital sa Sta. Cruz, MayÂnila.
Batay sa ulat, sumakay sa may Baclaran station si Idio kasama ang mister nito upang magtungo sa naturang pagamutan dahil sa paghilab ng tiyan.
Nang makalagpas sa Carriedo Station ay puÂmutok ang panubigan ni Idio na agad namang tinulungan ng isang nurse na si Maria Cecilia Lopez na nagkataong nandoon din sa tren.
Pagsapit sa may D. Jose Station, sinalubong na ng ibang empleyado ng LRTA ang ginang at dinala sa pagamutan.
Nabatid na si Idio ay ikalawa nang nanganak sa loob ng tren at ang piÂnaÂkahuling nanganak ay si Anita Paz noong SetÂyembre 13, 2012.