Dalaga nagtanan, tatay nagpakamatay

MANILA, Philippines -Hindi umano natanggap ng isang ama ang pakikipagtanan ng anak na dalaga sa kanyang nobyo at sa sobrang depres­yon ay nagbigti ito kamakalawa sa Zamboanga City. Ang nasawing biktima ay nakilalang si Mario de Guzman, 48-anyos, residente ng Zone 9, Brgy. Zambowood ng lungsod.

Sa ulat ni Police Regional Office (PRO) 9 Spo­kesman Chief Inspector Ariel Huesca, bandang alas-3:00 ng hapon nang madiskubre ang bangkay ng biktima ng kamag-anak nitong si Janet Visitacion.

Nabatid na bago ang pagpapakamatay ng biktima ay  naglasing muna ito nang madiskubre dakong alas-5:00 ng umaga ng nasabi ring araw ay iniwan na sila  ng kaniyang anak na dalagang si Ivy Dimple de Guzman, 19-anyos na nakipagtanan sa nobyo.

Nabatid din na laging sinesermunan ng ama ang anak dahilan sa pinansyal na problema ng kanilang pamilya.

Show comments