Lalaking bingi pisak sa trailer truck

MANILA, Philippines - Namatay noon din ang isang 45-anyos na lalaki matapos itong masagi at magulungan ng isang trailer truck habang tumatawid dahil sa hindi nito marinig ang pagbusina kamakalawa sa Quezon City.

Ang nasawi ay kinilalang si Ferdinand Dilao, 45,  ng Hipon St., ng  naturang lungsod, may kapansanan sa pangdinig matapos mapisak ang ulo’t katawan nito.

Ang driver na nasa kustodya na ng pulisya ay kinilalang si Pedro Maigue, 38, ng Camarines Norte.

Sa ulat ng pulisya, ganap na alas-3:10 ng hapon ay tumatawid ang biktima sa panulukan ng Dagat-Dagatan at C-3 Road ng naturang siyudad nang bumisina ang trailer truck (WPD-300).

Dahil sa kapansanan ay tuloy sa pagtawid ang biktima kung kaya’t nasagi ito at natumba.

Show comments