MANILA, Philippines - Mistulang tinibag ng bata at baguhang pulitiko na si Bukidnon elect Congresswoman Malou Acosta ang maituturing na pader sa larangan ng pulitika na si incumbent Congressman Jesus Paras sa katatapos pa lamang na 2013 midterm elections.
Si Acosta ay nakaÂbabatang kapatid ni Laguna Lake Development Authority General Manager at Secretary for Environmental Protection Nereus “Neric†Acosta ay nakaÂpagtala ng kabuuang 50,163 votes na mahigit labing isang libong kalamangan kontra kay Paras.
Taos puso ang pasasaÂlamat ni Acosta sa mga sumuporta at nagdala sa kanya sa tagumpay at maging kay Paras ay kanya rin pinasalamatan dahil sa maagang pag-concede sa pagtanggap ng resulta ng eleksyon.
“Ang pagtitiwala ring ito ang magbibigay sa akin ng inspirasyon para maÂnindigan at magsulong ng mga programang makatotohanan at tunay na naglilingkod sa sambayaÂnan,†ayon kay Acosta.
Plano ni Acosta na bigÂyan ng prayoridad ang kaÂlikasan, kabataan at kaÂbabaihan.