MANILA, Philippines - Tinalo ni dating PaÂngulong Joseph “Erap†Estrada na nakakuha ng botong 343, 993 habang si incumbent Mayor Alfredo Lim ay nakakuha ng botong 308, 544.
Kaya’t agad na ito ay iprinoklama ng Commission on Elections bilang bagong alkalde ng lungsod matapos makuha ang threshold ng mga boto na kinakailangan upang makapag-proklama ng mga nanalong kandidato sa local level.
Naiproklama na rin ang running mate ni Estrada na si Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso bilang vice mayor-elect ng Maynila laban sa nakalaban nitong si Lou Veloso sa lamang na mahigit 100,000 boto.
“Salamat sa hanggang ngayon eh tiwala pa rin sila sakin. Ang pagtitiwala na yan ay susuklian ko ng buong katapatan,†wika nito.
“Ito sigurado at natitiyak ko na sa dami ng problemang mamanahin kong problema ng ating lungsod eh talagang I have to work double time,†pagwawakas nito.