MANILA, Philippines - Apat katao ang nasawi nang sumiklab ang bakbakan sa pagitan ng tropa ng Philippine Marines at ng mga armadong grupo sa Tongkil, Sulu kahapon ng umaga.
Sa sketchy report, sinabi ni Col. Rodrigo Gregorio, SpoÂkesman ng AFP Western Mindanao Command, nakasagupa ng tropa ng PhiÂlippine Marines ang mga arÂmadong grupo sa nasabing isla sa pagsisimula ng pagbubukas ng polling precints sa lugar.
Nabatid na nagresponde sa lugar ang tropa ng Philippine Marines matapos na makatanggap ng report hinggil sa panghaharass ng mga armadong grupo sa lugar.
Nabatid na nagpull-out sa lugar ang mga elemento ng pulisya matapos itong hilingin ng kampo ni Sulu congressional candidate (3rd District) Lady Ann Sahidula.
Ang pagpull-out ng puwersa ng pulisya at pagpasok sa lugar ng tropa ng Philippine Marines ay desisyon ng Joint Security Coordinting Center (JSCC) upang maiwasan ang pakikisawsaw sa pulitika.