Supporter ng alkalde patay sa ambush

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang bo­tante na supporter ng isang kumakandidatong mayor habang lima pa ang nasugatan matapos na paulanan ng bala ng mga armadong kalalakihan sa ambush sa Panglima Estino, Sulu kahapon ng umaga.

Kinilala ni Supt. Roel Lamiing, Deputy ng Sulu Provincial Police Office (PPO) ang nasawi sa al­yas lamang na Aboh, 50-anyos.

Ang mga nasugatan ay nakilala namang sina Nhu Asanun, 43; Mardimae Sibri, 19; Aldin Saluwahan, 21; Nurhati Muhamus, 24; at Nurhim Mahamud, 24.

Batay sa ulat bandang alas-7:45 ng umaga nang maganap ang pananambang sa mga supporters ni Panglima Estino reelectionist Mayor Hajjib Munib sa nasabing lugar.

Nabatid na patungo sa polling precints para bumoto ang convoy ng be­hikulo ng mga supporters ng alkalde nang paulanan ng bala pagsapit sa lugar.

Show comments