^

Police Metro

Kandidatong mayor inisyuhan ng warrant of arrest

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagpalabas ng warrant of arrest si RTC Judge Corazon Domingo-Ranola (Branch 10) laban kay San Rafael, Bulacan vice mayor Cipriano ‘Goto’ Violago, Jr. at apat pa nitong mga tauhan na sina: Vergel dela Rosa Liquino, of Bgy. Pansumalok, San Rafael; Nicolas Mangaluz alias Boyet; Joel Manga­luz, ng Sitio 5 Bahay Pare, Can­daba, Pampanga; at Tristan S. Cruz IV, ng Barangay, Tanauan, Bustos.

Simula nang magpalabas ng warrant of arrest ay nagtago na si Violago na kumakandidato sa pagka-alkalde sa bayan ng San Rafael, Bulacan.

Ang kaso, na docke­ted as Criminal Case No. 1437-M-2013 ay isinampa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) hinggil sa pagkamatay ni SPO1 Rafael ‘Bart’ Bartolome, isa rin CIDG ope­rative na naka-base sa Malolos-CIDG office, na sinasabing kilalang malapit kay Vice Mayor Violago bago ito napatay.

Ayon sa mga naunang police report, si Bartolome umano ay biktima ng isang “set-up” at pinatay ng riding-in-tandem suspek matapos rumesponde sa tawag ng isang kaibigan sa loob ng Lapid’s Ville Subdivision sa Barangay Tambubong, San Rafael.

BAHAY PARE

BARANGAY TAMBUBONG

BARTOLOME

BULACAN

CRIMINAL CASE NO

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

JOEL MANGA

JUDGE CORAZON DOMINGO-RANOLA

NICOLAS MANGALUZ

SAN RAFAEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with