Mayoralty bet pinadi-disqualify

MANILA, Philippines - Dahil umano sa pag­labag sa Article 261 ng Omnibus Election Code matapos umanong gamitin ang pondo ng gobyerno sa kampanya ay nag-file ng disqualification case sa Commission on Election (COMELEC) si Mayoral­ty candidate at Batangas City Vice Mayor Joe Tolentino laban kay dating Batangas City Mayor at Mayoral candidate Eduardo Dimacuha.

Ayon kay Tolentino, namigay umano ng EBD health card, scholarship at pantawid pamilya Pilipino program si Dimacuha sa mga residente ng Batangas City gamit ang pondo ng gobyerno na kung saan ang misis ni Eduardo na si Mayor Vilma ang kasalukuyang alkalde ngayon ng lungsod.

Inamin naman ni Mayor Vilma na mayroon siyang
ipinamimigay na EBD healthcard pero ito anya ay matagal ng programa ng kanyang asawa at ng kanyang administrasyon.

 

Show comments