Lalaki nag-suicide sa MRT

MANILA, Philippines -Nadiskaril ang biyahe ng tren sa MRT matapos na isang lalaki ang tu­ma­­lon at nagpasagasa ka­hapon sa Guadalupe Station, Makati City.

Batay sa ulat, dakong alas-8:15 ng umaga nang tumalon ang lalaki na nasa edad 20-30-anyos, nakasuot ng asul na t-shirt at shorts sa northbound rail track o patungong Cubao ng naturang istasyon.

Pumailalim ang bik­tima sa ikalawang coach ng tren at nakaladkad ng halos 30 metro na naging dahilan para madurog ang katawan at ulo ng hindi pa kilalang biktima.

Kaya’t higit tatlong oras nabalahaw ang ope­rasyon ng MRT at libu-libong pasahero ang na-stranded habang ang iba ay nagpasya na maglakad sa riles at sumakay na la­mang ng bus.

Show comments