NLEX Commercial Center itatayo sa Caloocan
MANILA, Philippines - Inaasahang lalakas ang kalakalan at kabuhayan at maging suliranin sa matinding trapiko ay tiyak na mababawasan kapag naisakatuparan ang ambisyoso subalit “doable†na proyekto ni Caloocan City Vice Mayor at Liberal Party (LP) congÂressional candidate Edgar “Egay†Erice na kung saan ay itatayo ang isang malaÂking commercial center malapit sa North Luzon ExÂpressway.
Nagbitaw si Erice ng salita na kanyang uunahin na maisulong ang nasabing proyekto kung muling mabibigyan ng pagkakaÂtaon ng mga taga-lungsod lalo na sa District 2 na siya ay mahalal bilang kanilang Kinatawan sa Mababang Kapulungan.
Anya madali niyang maisusulong sa Kongreso ang proyekto dahil sa inaasahan na mas maraming kaalyado sa partido ang tiyak na mahahalal sa darating na eleksyon sa May 13.
Ayon kay Erice na kilala ang lungsod bilang ‘Gateway of the North’ dahil sa istratehikong lokasyon nito at magsisilbing ‘catch basin’ ang CaÂloocan kapag naitayo na ang mala-higanteng commercial center sa gilid ng expressway dahil dito na makikita at makukuha ang lahat ng produkto na manggagaling lalo na sa Norte.
- Latest