^

Police Metro

Mancao tuluyan nang inalis sa WPP

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Opisyal nang inalis sa listahan ng Witness Pro­tection Program ng De­partment of Justice si dating police officer Cesar Mancao.

Ito ang inihayag ni Jus­tice Secretary Leila de Lima matapos niyang lagdaan ang mga papeles para sa pormal na pag-aalis kay Mancao sa WPP.

Ginawa ni de Lima ang hakbang makaraang hindi tumalima si Mancao sa kanyang panawagan na sumuko na, at kasunod na rin ng mga ibinato nitong paratang na katiwalian laban sa WPP.

Kaugnay nito, nanawa­gan din si De Lima kay Mancao na makonsensya dahil isa raw kabalintunaan ang paglapastangan nito sa WPP na mismong ku­mupkop sa kanya.

Halata ring nadismaya at nasaktan ang kalihim dahil kahit malagay umano siya noon sa alanganin ay nanin­digan pa rin siya na huwag alisin si Mancao sa WPP bagamat hindi ti­nanggap ng korte ang hi­ling ng prosekusyon na gawin siyang state witness sa Dacer-Corbito double murder case.

Bilang chief implementor ng programa, nanindigan din si De Lima sa integridad ng WPP at nagpahayag din siya ng kumpiyansa sa kasalukuyang direktor ng programa na si Atty. Martin Menez.

Tahasan pang sinabi ni de Lima na kung desperado na si Mancao para sa kanyang sariling kaligtasan, hindi naman daw tama na idamay nito ang WPP dahil hindi umano nito nauunawaan kung ano ang posibleng idu­lot ng umano’y walang katotohanan niyang mga paratang laban sa programa.

BILANG

CESAR MANCAO

DACER-CORBITO

DE LIMA

MANCAO

MARTIN MENEZ

SECRETARY LEILA

SHY

WITNESS PRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with