13-anyos ni-rape ng tatay

MANILA, Philippines - Nahuli sa akto ng isang misis ang kanyang mister habang hinahalay ang 13-anyos nilang dalagita sa loob ng kanilang bahay sa Quezon City noong Sabado ng gabi.

Ang nadakip na suspek ay nakilalang si Alfredo Mone­va Jr., 39, security guard ng Bistek Ville II, Barangay Kaligayahan, sa lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-6:30 ng gabi nang  ma­aktuhan ng misis ang kanyang mister na inaabuso ang kanilang anak sa kuwarto ng kanilang bahay.

Bago ang huling panghahalay ng suspek ay nagsumbong na ang kanyang da­lawang anak na lalaki na may edad 7 at 10 tungkol sa ginawa ng kanilang ama sa kanilang ate noong Abril 18 na hindi muna niya pinaniwalaan at hindi rin kinompronta ang mister dahil sa takot.

Kaya’t nang kanyang ma­aktuhan ang panghahalay ay nagdesisyon na siya na ireklamo ito sa pulisya na agad dinakip at sinampahan ng kasong rape na may kaugnayan sa child abuse.

Show comments