MANILA, Philippines - Isang manhunt operation ang isinagawa ng pulisya laban sa dati nilang kabaro na patuloy ang pagsusuot ng uniporme at mangholdap ng turista sa Ermita, Maynila naganap kamakalawa ng hapon.
Ang suspek ay kinilaÂlang si PO3 Eduardo CayabÂyab, dating nakatalaga sa MPD at residente ng no. 19 Dalisay St., Barangay Plainview, Mandaluyong City at isang di nakilalang lalaki na kasamahan nitong nangotong habang sakay ng itim na SUV(RND-835).
Batay sa reklamo na idiÂnulog sa tanggapan ng MPD General Assignment Section ng mga bikÂtiÂmang sina Takeshita Hiroyasu, 44, at Imagawa Masaharo, 45, kapwa turistang hapon at pansamantalang nanuÂnuluyan sa Room 228 RiÂviera Mansion, Malate, Maynila, dakong ala-1:30 ng hapon, noong Linggo ay katatapos lang nila kuÂmain sa isang restaurant at habang nagÂlalakad sa panulukan ng Mabini at Remedios Sts., Ermita nang sitahin sila ng mga suspek na sakay ng nasaÂbing SUV.
Inutusan ng mga suspek ang mga biktima na sumakay sa kanilang sasakyan at haÂbang ang dalawa ay nasa loob ay tinakot silang ikukulong saka kinunan pa ng litrato at hinalughog ang kanilang kagamitan at nang nakuha ang tinatayang P34,000 cash at saka sila pinababa.