^

Police Metro

Increase sa budget ng PUP itutulak ni Bro. Eddie

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ipaglalaban ang pagtaas ng budget ng mga state universities tulad ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) sa P2 bilyon.

Ito ang nilagdaang covenant ni Bangon Pilipinas lone senatorial candidate Bro. Eddie Villanueva sa pagbisita nito sa nasabing unibersidad na kung saan siya ay naging panauhing pangdangal sa Nemesio Prudente Lecture Series at kanyang tinalakay ang mga napapanahong isyu na kinakaharap ng bansa sa sector ng edukasyon.

Si Villanueva ay nagtapos ng  commerce sa Philippine College of Commerce, na kalaunan ay naging  PUP. Naging guro din siya dito at isa sa pinakamatagal na naupo bilang miyembro ng PUP Board of Regents.

Ayon kay Villanueva, ang sistema ng edukasyon sa bansa ay masalimuot kaya’t ang may pera lang ang may kakayahan na makapag-aral at ang mahihirap ay hindi na dahil sa mababang binibigay na budget sa mga state  universities. Kaya’t kapag naupo sa Senado ay itutulak ang pagtataas ng budget.

Batay sa datos mula sa World Bank ay ipinapakita na ang Pilipinas ay hindi masyadong pinagtutuunan ng pansin ang halaga ng edukasyon dahil sa hindi pagbibigay ng malaking budget ng gobyerno na kabaligtaran sa kapitbahay na mga bansa.

Maging ang average teacher-student ratio sa mga public schools ay  1:40 gayung ang mga guro ang siyang pinakamaraming nagtatrabaho sa gobyerno.

Upang ang lahat ay makapag-aral na  siyang daan para sa pag-unlad ng isang bansa ay ipanunukala ni Villanueva ang libreng college education sa mga karapatdapat na mag-aaral upang ang mga  technological colleges ay makalikha ng top-caliber graduates sa IT at agriculture.

 

BANGON PILIPINAS

BOARD OF REGENTS

EDDIE VILLANUEVA

NEMESIO PRUDENTE LECTURE SERIES

PHILIPPINE COLLEGE OF COMMERCE

POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

SI VILLANUEVA

VILLANUEVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with