^

Police Metro

Enrile: Food supply protektahan

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nanawagan si Uni­ted Nationalist Alliance (UNA) senatoriable Jack Enrile sa pamahalaan na gumawa ng mga pamamaraan na magbibigay ng proteksiyon sa ‘food supply’ sa bansa bunsod umano ng nararanasang climate change.

Ayon kay Enrile, kung talagang seryoso ang gobyerno sa pamamagitan ng Department of Agriculture (DA) na magkaroon ng sapat na supply ng pagkain sa bansa ay dapat ngayon pa lamang ay masusi ang pag-aaral sa epekto ng climate change.

Ani Enrile, dapat ng paghandaan ang ‘ill-effects at radical changes ng weather’ sa Pilipinas upang hindi masira ang mga pananim ng mga magsasaka at hindi magkaroon ng kakulangan ng supply ng pagkain sa bansa.

Sinabi ni Enrile, kapag nagkaroon ng kakulangan ng supply na pagkain ay tiyak na lalala ang iba’t ibang kriminalidad sa bansa.

 

ANI ENRILE

AYON

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

ENRILE

JACK ENRILE

NANAWAGAN

NATIONALIST ALLIANCE

PILIPINAS

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with