Itinanim na 10 bomba sa 2 bus narekober

MANILA, Philippines - Kung hindi agad nadiskubre ang 10 improvised bomb na nakalagay sa bote ng softdrinks na iniwan sa dalawang nakaparadang pampasaherong bus sa motor pool sa Bacarra, Ilocos Norte ay posibleng may masawi o masugatan.

Sa ulat, dakong ala-1:00 ng madaling-araw ay nadiskubre ng mga kawani ng GMW Bus Line na may biyaheng Isabela-Tugue­garao-Laoag na pag-aari ng magkapatid na  George at Virgilio Florida.

Agad na nirespondehan ng tropa ng Special Weapons and Tactics (SWAT) ang nasabing bomba para ito ay agad matanggal.

Ilang testigo ang nag­sabi na may ilang armadong lalaki na pumasok sa motor pool at umalis agad nang maalarma sa presensya ng mga kawani nito.

Show comments