Kondisyon ng lupang sakahan pag-aralan – Enrile

MANILA, Philippines - Nagpahayag ng paniniwala si United Natio­nalist Alliance (UNA) senatorial candidate Jack Enrile na ang pag-aaral sa kondisyon ng agricultural soil ay makatutulong sa bansa sa pagtukoy ng kakayahan natin na makapag-produce ng pagkain para sa buong bansa.

Tinutukoy ni Enrile ang pag-adopt ng Pilipinas sa Bhoochetana (reviving the soil) program ng In­dia sa pamamagitan ng Department of Agriculture-Natio­nal Rice Program.

Sa ilalim ng programa, pag-aaralan ang nutrient status ng agricultural soils sa bansa, gamit ang rain-fed agriculture program ng India, at pagsasagawa ng soil rejuvenation upang madagdagan ang producti­vity nito.

Paliwanag ni Enrile ang pagtaas ng temperature at matinding pag-ulan sa bansa ay nakapagko-con­tribute sa soil degradation.

“According to studies, once soil is damaged to a certain degree, it is very difficult to restore it.  While soil analysis involves simple technology, it is crucial to climate change mitigation in the agriculture sector,” pagtatapos pa niya.

Show comments