Misis ginabi sa pag-uwi ginulpi ng mister na Jordanian

MANILA, Philippines - Mga suntok sa mukha ang sumalubong sa isang misis matapos siyang gul­pihin ng mister na isang Jordanian na nagalit dahil sa ginabi ito sa pag-uwi ka­makalawa ng gabi sa Va­lenzuela City.

Ang biktima ay nakila­lang si Amal De Dios Mahmoud, 28-anyos na nagsampa ng reklamo sa pulisya laban sa mister nitong si Jalal Hassan Mah­moud, 56,  ng Pedrical St., Barangay Karuhatan ng lungsod.

Sa salaysay ng bikti­ma, na may nakaaway ito sa isang beauty parlor ka­makalawa ng hapon kung kaya’t nadala siya sa presinto. 

Nang malaman ng sus­pek ang nangyari ay pi­nuntahan nito ang misis sa presinto na kung saan ay naayos naman ang gulo.

Subalit sa halip na umuwi sa kanilang bahay ang biktima ay nagtuloy ito sa bahay ng kanyang tatay kasama ang 3-anyos na anak kaya’t nakauwi ito dakong alas-10:00 ng gabi.

Pagdating sa bahay ay nagalit ang suspek at dito na siya ginulpi.

Show comments