^

Police Metro

13 supporters ng mayoral bet todas sa ambush

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tinambangan ng mga armadong kalalakihan ang convoy ng isang kumakandidatong alkalde na kung saan ay napatay ang 13 supporters at pagkasugat ng 10 iba pa kamakalawa ng gabi sa Brgy. Malaig, Nunungan, Lanao del Norte.

Kinilala ang mga nasawi na sina Adnani Manamparan, 30, anak na babae ni Nunungan Mayor Abdulmalik Manamparan, na ngayo’y tumatakbong bise alkalde at ang anak nitong lalaki na kumakandidatong mayor; Baby Dimasangkay; Lala Jambrang; Pita Saripata; Baubi  Kawasa; Alenor Mamantoc; Sahidun Mamantoc; Johani Bantuas, isang alyas Nobaesa at isang CAFGU na hindi natukoy ang pagkaka­kilanlan.

Ang 10 na nasugatan na kinabibilangan ng isang alkalde at isang pulis na tinukoy sa apel­yidong PO1 Agutin.

Batay sa ulat, bandang alas-6:25 ng gabi habang bumabagtas ang convoy ni Mayor Manamparan na lulan ng dump truck nang paulanan sila ng bala ng may 10-15 kalalakihan.

Ang mga biktima ay kagagaling lamang sa campaign rally ni Mayor Manamparan na tumatakbo sa ilalim ng Nationalist People’s Coalition (NPC) at pauwi na sa Brgy. Pob­lacion ng nasabing bayan nang mangyari ang pana­nambang.

Agad namang nag­responde ang tropa ng Army’s 103rd Brigade sa lugar at ini-evacuate ang mga sugatan sa ambush site saka isinugod sa pagamutan bagaman hindi na inabutan ang grupong nanambang.

Inamin din ni Mayor Manamparan na nakatanggap siya ng death threats bago ang pana­nambang.

Sinabi ng opisyal na rido o clan war ang pa­ngunahing motibo ng ambush dahilan sa kilala ng pamilya ng alkalde ang ilan sa nanambang pero sa kabila nito ay hindi inaalis ang anggulo ng pulitika.

ADNANI MANAMPARAN

ALENOR MAMANTOC

BABY DIMASANGKAY

BRGY

JOHANI BANTUAS

LALA JAMBRANG

MAYOR MANAMPARAN

NATIONALIST PEOPLE

NUNUNGAN MAYOR ABDULMALIK MANAMPARAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with