Mining firm suportado ang forestry program ng gobyerno

MANILA, Philippines -Araw-araw na gawin ang pagtatanim ng mga puno at hindi tuwing ipinagdiriwang lamang ang “Earth Day”.

Ito ang inihayag ng Sa­gittarius Mines, Inc. (SMI) na ang adbokasiya ay res­ponsableng pag­mi­mina at tumutugon sa panga­ngalaga sa kapaligiran at rehabilitasyon ng lupaing maapektuhan ng proyekto sa pagmimina nito.

Sinusuportahan ng SMI ang programa ng gobyerno na Community Based Fo­restry Management (CBFM) sa pagkakaloob ng pondo para sa repores­trasyon na nagka­kalbo at mga tigang na lugar at pagpapaunlad sa kagubatan sa Rehiyon 11 at 12.

Nagtatag din ang SMI ng dalawang plant nur­series na nagprodyus ng kabuuang 800,000 binhi na ipinamahagi at itinanim sa dalawang rehiyon. Patitindihin din ng SMI ang pagsisikap sa reporestrasyon sa lubos na pagsuporta sa CBFM.

Hawak ng SMI ang financial and technical contract para paunlarin ang  Tampakan Gold-Copper Project sa Tampakan, South Cotabato. Ang US$5.9B project ay pinakamalaking single direct foreign investment sa bansa.

Show comments