MANILA, Philippines -Nakuha ni reelectionist senator Aquilino “Koko†Pimentel III ang number 2 sa mock polls para sa mga senador na isinagawa ng Movement for Good Governance (MGG) sa pamumuno ng tanyag na mamamahayag na si Winnie Monsod na ginanap sa Ateneo Professional Schools sa Rockwell, Makati City kamakailan.
Nanguna sa mock polls si dating senador Ramon Magsaysay, Jr., pumangalawa si Pimentel at pangatlo si Riza Hontiveros na pawang kasapi sa Team P-Noy.
Ang mga katangian at kapintasan ng mga kandidatong senador ay binusising mabuti ng panel of experts batay sa scoreboard na inihanda ng MGG.
Ang mga kandidato ay binigyan ng grado kung sila ay pumasa o bumagsak batay sa sumusunod na criteria - competence, track record effectiveness, integrity, stewardship at reform.
Sa ibang de kalidad na pagsusuri sa katangian ng mga kandidatong senador, isa sa mga nangunguna si Pimentel.