Solon posibleng makulong sa paggamit ng pork barrel sa kampanya
MANILA, Philippines - Posibleng makulong si Caloocan City 1st District Congressman Oscar “Oca†Malapitan matapos na pormal na magsampa ng kaso sa Office of the Ombudsman (OMB) ang mga taong ginamit nito upang makakuha ng pera galing sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel ng kongresista.
Kabilang sa mga resiÂdenteng nagtungo sa OMB upang magsampa ng reklamo ay sina Amparo Tagapan, Marilyn Joson, Valerie Regalado, Arlyn Dizon at Jessica Bordomeo, pawang mga residente ng Bagong Barrio, Caloocan City.
Ayon sa mga naghain ng reklamo, ang ginawang ito ni Malapitan ay maliwanag na paglabag sa batas na ipinatutupad ng Commission on Election (Comelec) dahil isa umano itong paraan upang makabili ng boto.
Base sa sinumpaang salaysay ng mga naghain ng reklamo, ginamit umano sila ni Malapitan upang makapaglabas ng pondo mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) kung saan nakalagak ang ilang bahagi ng pork barrel ng kongresista.
Sa salaysay ng mga ito, nagtungo sa kanilang mga bahay ang staff ni Malapitan at nag-alok ng tulong galing sa DSWD kung saan ay siÂnabi ng mga tauhan ng kongresista na makatatanggap sila ng P3,000 tseke pero tanging P400 lamang ang napunta sa kanila.
- Latest