MANILA, Philippines - Nasawi ang isang 2-anyos na batang babae na si Leilzei Joy Buyco matapos na madaganan ng debris ng nasusunog nilang bahay kahapon ng madaling-araw sa Makati City.
Sa imbestigasyon, nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng bahay ng pamilya Buyco sa kanto ng Arellano at Zobel Roxas St. dakong alas-2:10 ng madaling-araw na mabilis na kumalat sa iba pang kabahayan na pawang gawa sa kahoy.
Samantala, isang 11-buwang gulang na sangÂgol na si Mary Claire Flores ang nasawi sa sunog na tuÂmupok sa mahigit 100 kabahayan sa Sitio Bato, Barangay Ermita, Cebu City kamakalawa ng gabi.
Batay sa ulat, naganap ang sunog dakong alas-6:00 ng gabi nang iniwan ang sanggol ng ama para may bilhin sa tindahan. – Danilo Garcia, Ricky Tulipat –