Legarda tinawag na ‘political butterfly’

MANILA, Philippines - Sa tuwing sumasapit ang halalan ay ginagawang isyu laban kay Senator Loren Legarda ang pagpapa­lipat-lipat niya ng partido.

Naniniwala ang ilang political analyst na ang pag­turing kay Legarda bilang political butterfly ang naging dahilan kung bakit hindi nito nasungkit ang posisyon bilang bise presidente ng bansa.

Dalawang beses nang nag-top sa senatorial election si Sen. Loren Legarda, una noong 1998 at 2007 sa mahigit na 18M boto pero nabigo pa rin ang senador na masungkit ang Vice Presidency post sa dalawang pagkakataon noong 2004 at 2010.

Ayon kay political analy­st Mon Casiple, ang biglaang pagpapalit ni Legarda ng partido sa tuwing sasabak siya sa presidential election ang dahilan kung bakit hindi siya nanalong vice president.

Pero ilang beses na ring pinanindigan ni Legarda na nadaya siya lalo na ng makalaban si dating Vice President Noli de Castro kaya hindi siya nanalo.

Sinabi naman ni Ca­sip­le, matured na ang mga Pinoy voters at alam nila kung for convenience lang at fund advantage ang big­laang shift o pagpapalit ng partido.

 

Show comments