MANILA, Philippines -Kinondena ng Pangulong Benigno Aquino III ang nangyaring bombing sa Boston marathon kung saan ay may nasawi at maraming nasugatan, ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte.
“The administration joins the international community in extending our deepest sympathy to those who have lost loved ones in the bombing of the Boston Marathon. At this moment, scores are being treated for injuries, some of them quite life-threatening. We offer our prayers and best wishes for their recovery,†wika pa ni Usec. Valte.
Binomba ang Boston marathon kahapon ng umaga pero kahit may 10 Pinoy na nakasali sa marathon ay ligtas naman ang mga ito at walang nadamay sa insidente.
Ayon kay Valte, nakikiramay ang Pangulong Aquino sa pamilya ng mga nasawi gayundin sa mga nasaktan sa nasabing insidente.