Pinas tinawag na ‘gambling republic’
MANILA, Philippines -Tinawag na ‘gambling republic’ ang Pilipinas ni Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz dahil sa umano’y pat uloy na pangungunsinti ng Pangulong Benigno Aquino III at mga opisyal nito sa illegal na sugal gaya ng jueteng.
Ayon kay Cruz, mahirap intindihin ang daang matuwid na isinusulong ng Administrasyong Aquino gayun ang balukÂtot at illegal na sugal ay kanyang pinahihintulutan.
Iginiit ni Cruz na mahirap suwagin ang PCSO at PAGCOR dahil ito ay mga government-owned and controlled corporation na nakadirekta at kontrolado ng Office of the President.
Tinukoy ni Cruz ang paglaan ng pamahalaan ng P1.8 bilyon na paper deal para sa slot machine.
Ipinagtataka ni Cruz na nagpopondo ang gobyerno sa mga bagay na nakatuon sa sugal gaÂyong hindi nito pinirmahan ang Magna Carta for the Poor dahil sa sinasabing kawalan ng pondo.
Sinabi pa ni Cruz, base umano sa kanyang mga impormasyon ay lalo ngayon lumakas ang suÂgal na jueteng sa ibat-ibang panig ng bansa dahil sa nalalapit na election para ponduhan ang mga kumakandidatong pulitiko.
- Latest