^

Police Metro

PPCRV nagsagawa ng peace covenant sa mga kandidato sa Caloocan

Butch M. Quejada - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagsagawa ng peace covenant ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na idinaos sa mismong dambana ni Gat Andres Bonifacio kahapon ng umaga para sa mga kandidato sa Caloocan City na kung saan ang tanging du­malo ay sina Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri na tumatakbong kongresista sa 1st District  ng lungsod at anak nitong si Liga ng mga Barangay sa Pilipinas President, Coun­cilor Ricojudge “RJ” Echiverri na tumatakbo naman sa pagka-alkalde at lahat ng naka-line-up sa partido nito sa ilalim ng Li­beral Party (LP).

Ikinalungkot naman ng PPCRV ang hindi pagdalo ng  mag-amang sina Caloocan City 1st District Cong­ressman Oca Malapitan at anak nitong si Councilor Along at Vice Mayor Egay Erice na tumatakbo sa ikalawang distrito ng lungsod.

Sinabi pa ng mga taga-PPCRV na siyang nag-is­ponsor sa ginanap na pagdi­riwang, ang paglagda ng mga kandidato sa nasabing kasunduan ay isang paraan upang ipakita ng mga ito sa mga botante na karapat-dapat sila sa tungkulin na ka­nilang hinahangad na ma­kamtan.

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY MAYOR ENRICO

COUNCILOR ALONG

DISTRICT CONG

ECHIVERRI

GAT ANDRES BONIFACIO

OCA MALAPITAN

PARISH PASTORAL COUNCIL

PILIPINAS PRESIDENT

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with