Konduktor patay sa salpok ng bus sa trak

MANILA, Philippines - Isang konduktor ang nasawi matapos na sumalpok ang kanilang bus sa nakapa­ra­dang trak kahapon ng madaling-araw sa kaha­baan ng President Osmeña Highway, Makati City.

Ang biktima na hindi idineklarang dead-on-arrival sa Makati Medical Center ay nakilalang si Ricky Monton, nasa legal na edad, konduktor ng bus ng JAC Liner na halos 30 minuto nahugot sa wasak na bahagi ng bus.

Nasugatan naman ang pasaherong si Henry Abrera at dalawang pahi­nante ng binundol na trak na sina Marvin Penaverde at Harold Escalante.

Tumakas ang bus dri­ver na si Policarpio Ilagan, na posibleng sugatan din dahil sa pagkawasak ng unahang bahagi ng bus.

Batay sa ulat, dakong ala-1:00 ng madaling-araw ay mabilis umano na pinapatakbo ni Ilagan ang bus sa kahabaan ng President Osmeña High­way hanggang sa mawalan ng control at nabundol ang isang ten wheeler truck na nakaparada malapit sa kanto ng Arnaiz Avenue dahil nabutasan ng gu­long.

Nakatakdang sampahan ng kasong homicide at multiple physical injuries thru reckless imprudence ang driver ng bus.

Show comments