Bam itutulak ang programang pangkabuhayan sa mga barangay

MANILA, Philippines - Planong paigtingin ang suporta sa mga nagnenegosyo, sa pakikipagtulungan ng mga barangay at iba pang LGU ang isusulong sa senado ni Team PNoy senatoriable Benigno ‘Bam’ Aquino.

Naniniwala si Aquino na ang paglago ng kita sa pamamagitan ng trabaho at negosyo ang susi sa pag-angat mula sa kahirapan.

Para sa multi-awarded youth leader at social entrepreneur, kailangang maging kaagapay ang gobyerno sa asenso ng bawat pamilyang Pilipino—hindi balakid sa pagsulong dahil sa red tape at korupsyon.

“Kailangan nating tulungan ang mga nagnene­gosyo—mapa-sari-sari store man o pagbebenta sa paleng­ke o pagpapasada—na umangat ang kanilang kita at gumaan ang kanilang buhay.” Wika ni Bam.

 

Show comments