MANILA, Philippines -Nagtambalan ang Department of Education sa Sarangani at Sagittarius Mines Inc. (SMI) upang maitaguyod ang may kalidad na edukasyon sa pamamagitan ng QUEST o Quality Education for Sarangani Today.
Tinipon ni DEC Sarangani Division Superintendent Isagani dela Cruz at ng SMI ang mahigit 400 boluntaryong guro bilang simula ng 2013 Sarangani Big Brother (SBB) Reading is Fun Program kamakailan sa Alabel, Sarangani.
Nagkaloob ang SMI ng Fuller Flipcharts bilang suporta sa programa para mapalakas ang kakayahang bumasa at makaunawa ng mga mag-aaral sa elementarya.
Sinaksihan ni Sarangani Governor Miguel Rene Dominguez ang pagtitipon at personal na tinanggap ang mga flipchart.
“Nakinabang sa progÂrama ang mahigit 27,000 mag-aaral sa nakaraang limang taon at malaki ang iniunlad ng kanilang pagbasa at pag-unawa,†ani Dominguez.
Nagpasalamat din si Dela Cruz kay Dominguez at pinuri ang suporta ng SMI sa programa kasabay ng paghimok sa mga guro na pag-aralan pa ang mga ganitong gawain at ituloy ang kanilang silakbo sa pagtuturo sa mga kabataan ng Sarangani.