^

Police Metro

140K napagtapos ni Recom sa Manpower Training

Butch M. Quejada - Pang-masa

MANILA, Philippines -Umabot sa 140,000 katao ang nabigyan ng kaalaman sa pamamagitan ng Manpower Training na ipinagkaloob ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri na naging daan upang makakuha ng trabaho at mapagkakakitaan ang mga ito. Sa ulat na isinumite ng Labor and Industrial Relations Office (LIRO) sa tanggapan ni Echiverri, kabilang sa mga nagtapos sa In-Center Training, Outreach Training, Livelihood Training at Caravan sa mga barangay.

Sa In-Center Training, umabot sa 24,551 ang nagtapos habang sa Outreach Training naman ay 3,834 ang nag-graduate samantalang sa Livelihood Training ay mayroong 64,520 at sa Caravan ay 47,095 ang nagkaroon ng training.

Kabilang naman sa mga kursong kinuha ng mga nagsipagtapos ay ang housekeeping servicing; small engine repair; consumer electronics; ref and aircon servicing; shielded metal arc welding; computer hardware servicing; dressmaking; hairdressing; food processing; PC operation at marami pang iba.

Sinabi naman ni Echiverri na tuloy-tuloy ang pagbibigay ng kanyang administrasyon ng ganitong klaseng proyekto dahil isa itong malaking tulong sa mga kabataang hindi nakapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo.

CALOOCAN CITY MAYOR ENRICO

ECHIVERRI

IN-CENTER TRAINING

KABILANG

LABOR AND INDUSTRIAL RELATIONS OFFICE

LIVELIHOOD TRAINING

MANPOWER TRAINING

OUTREACH TRAINING

SA IN-CENTER TRAINING

TRAINING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with