^

Police Metro

P10-M tinangkang isuhol ni Rasuman

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tumataginting na P10 milyon ang umanoy tangkang isuhol ng mga kapamilya ng inarestong si Princess Aliah Tomawis Rasuman sa hepe ng Pasay City Police-Special Operations Unit na dumakip sa kanya.

Ito ang ibinulgar ni P/Chief Insp. Ernesto Vera Eco, Jr., hepe ng SOU, kung saan tinanggihan niya ang alok na malaking halaga ng pera nang ihain niya at ng mga tauhan ang warrant of arrest na inilabas ng Cagayan De Oro City 10th Judicial Region.

Nananatili naman sa tanggapan ng SOU si Princess at hindi pa mailipat sa regular na piitan para maprotektahan rin ang seguridad nito makaraang dumagsa ang mga naloko ng multi-milyong “pyramiding scam” ng mga Rasuman.

Inaasahan na maibibiyahe na nila si Princess sa Cagayan De Oro City upang ipasa ang kustodiya sa korte sa susunod na linggo.

CAGAYAN DE ORO CITY

CHIEF INSP

ERNESTO VERA ECO

INAASAHAN

JUDICIAL REGION

NANANATILI

PASAY CITY POLICE-SPECIAL OPERATIONS UNIT

PRINCESS ALIAH TOMAWIS RASUMAN

RASUMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with