^

Police Metro

PNP initiative sa Southern Mindanao, sinuportahan ng SMI

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagtulungan ang Phi­lip­pine National Police Region 12 Command at Sagittarius Mines, Inc (SMI) upang iangat ang kahusayan at imahe ng bawat pulis sa buong rehiyon sa pamamagitan ng Transformation Program ng PNP.

Sa PNP Values Formation workshop na ginanap nitong Abril 2 sa Korona­dal City, South Cotabato na dinaluhan ng 120 pulis sa buong rehiyon.

Nilinaw ni PNP Acting Director of the Center for Police Strategy Management Sr. Supt. Ferdinand Sevilla na nakaangkla ang proyekto para sa transpormasyon ng pambansang pulis­ya sa  PNP Patrol Plan 2030.

“Sa pamamagitan ng values formation workshop ay mabubura natin ang negatibong imahe ng PNP,” ani Sevilla. 

“Sa PNP Patrol Plan 2030, mapauunlad ang community safety awa­re­ness para maibalik ang respeto at paniniwala sa pulisya ng mga komunidad.” 

Idinagdag niya na ang PNP bilang organi­sasyon ay kailangang makasabay sa pagbabago at modernong panahon.

Buong suporta naman ang ipinagkaloob ng kinontrata ng gobyernong SMI, may hawak din ng Financial and Technical Assistance Agreement (FTAA) para sa Tampakan Copper-Gold Project, sa inisyatiba ng PNP.

Nauna rito, nilinaw ni SMI Corporate Affairs Manager Roy D. Antonio na sa pagtutuloy ng kompanya sa Tampakan Project ay magpupursige silang makikipagtulungan sa gobyerno, sa industriya at sa mga komunidad sa lugar ng proyekto para maunawaan ang kanilang mga pangangailangan at kumilos para sa masuste­nahan at maliwanag na hinaharap para sa Southern Mindanao at buong Pilipinas.

ACTING DIRECTOR OF THE CENTER

CORPORATE AFFAIRS MANAGER ROY D

FERDINAND SEVILLA

FINANCIAL AND TECHNICAL ASSISTANCE AGREEMENT

NATIONAL POLICE REGION

PATROL PLAN

PNP

POLICE STRATEGY MANAGEMENT SR. SUPT

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with