Tanod tinadtad ng bala

MANILA, Philippines -Isang barangay tanod ang nasawi noon din matapos na pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek habang naglalakad sa madilim na bahagi ng Sitio Malabon, Brgy. Salawag, Dasmariñas, Cavite. Ang nasawi ay nakilalang si Samuel Espanol, 49, binata, na nagtamo ng 15 tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Batay sa ulat, dakong alas-9:00 ng gabi ay mag-isang naglalakad ang biktima sa nasabing lugar at nang mapadako ito sa madilim na bahagi ay lumitaw ang suspek at agad na pinagbabaril ang nabiglang biktima.

Nang bumulagta ang biktima ay mabilis na tumakas ang suspek na hinihinalang rumesbak.

Show comments