MANILA, Philippines -Tinitiyak ang pagkapanalo ni incumbent Pasay City Mayor Antonino Calixto makaraan ang “landslide†na resulta na inilabas ng Social Weather Station (SWS) survey.
Lumitaw sa survey na 63 porsyento ng mga respondents mula sa dalawang distrito ng Pasay ang pabor kay Calixto para muling maging alkalde ng lungsod.
Sumunod sa kanya si dating Mayor Peewee Trinidad na may 13 percent at political neophyte Jorge del Rosario na nakakuha lamang ng 11 porsyento.
Walong porsyento naman ang undecided habang apat na porsyento ang may “invalid ballot markingsâ€.
Kabilang sa tanong sa mga respondent ang “Kung ang eleksyon ay gaganapin ngayon, sino ang pinakamalamang ninyong iboboto bilang mayor ng Pasay City?â€
Sa dalawang distrito, si Calixto ang top choice ng mga respondent mula sa lahat ng “socio-economic classes†at kasarian.
Kabilang sa mga dahilan ng pagpili kay Calixto ang pagkakaroon ng magandang plano para sa lungsod, 39%; pagtulong sa maÂhihirap, 36%; pagpapaÂtupad ng mga proyekto sa kanilang lugar, 34%; madaling lapitan, 29%; at may karanasan sa pamamahala, 25%.
Naitala naman sa +71% ang trust rating ni Calixto laban sa +27% ni Trinidad at +6% trust raÂting kay Del Rosario.
Pinapurihan din ng mga respondents ang maÂgagandang katangian ng alkalde na kinabibilangan ng pagiging matulungin o pagtulong sa mahihirap, 39%; Mabait 22%; madaling lapitan 19% at masipag, 13%.
Isinagawa ang SWS survey noong February 22-24, 2013 gamit ang official list of candidates at ballot box technique sa 400 Pasay City registered voters.