Binata swak sa butas, dedo
MANILA, Philippines - Dedo ang isang binata makaraang mahulog sa butas ng isang kuweba at dumiretso sa malalim na bangin habang nanghuhuli ng paniki sa bayan ng TaÂbuelan, Cebu, kamakalawa ng umaga.
Dead-on-arrival sa hospital ang biktimang si Bryan Ere, 16, residente ng Brgy. Cantubon, matapos na tumama ang ulo nito sa isang malaÂking bato.
Sa ulat ng Cebu Police, naganap ang insidente dakong alas-5:00 ng umaga sa kuweba ng Himaroto sa pagitan ng Barangay Cantubon at Brgy. CanluÂngahon sa kagubatan ng nasabing bayan.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nabatid na ang bikÂtima ay kasama ang ama nitong si Elmer at tiyuhing si Roldan Caballero ay nangha-hanting ng mga paniki gamit ang flashlights sa kuweba ng mangyari ang insidente.
Abala umano ang biktima sa paghahanap ng paniki sa loob ng madilim na kuweba kaya hindi nito napansin ang butas kung saan tuluy-tuloy itong nahulog sa may 200 metrong bangin sa lugar.
Humingi naman ng tulong ang ama ng biktima sa search and rescue team at tumagal ng halos sampung oras bago natunton at naiahon ang bangkay ng biktima.
Ayon sa report, madalas manghuli ng paniki sa naturang kuweba ang pamilya ng biktima na kanilang inuulam.
- Latest