MANILA, Philippines -Mistulang huling hapunan na ng isang 58-anÂyos na ginang ang pagkain nito kasama ang kaniyang pamilya makarang pagbabarilin ng dalawang laÂlaÂking maskarado na pumasok sa kanilang bahay sa Talacogon, Agusan del Norte kamakalawa ng gabi.
Nasawi noon din ang biktima na kinilalang si Mina Manpatilan, ng Purok 5, Brgy. Zillovia, Talacogon ng lalawigan na nagtamo ng tama ng bala sa ulo at leeg.
Batay sa ulat, dakong alas-7:15 ng gabi habang kumakain ng hapunan ang ginang kasama ng kaniyang mister at dalawang anak sa loob ng kanilang bahay nang pumasok ang mga salarin.
Agad pinagbabaril ng mga ito ang ginang at hindi naman sinaktan ang paÂmilÂya nito.
Narekober ng mga otoridad sa pinangyarihan ng krimen ang mga basyo ng bala ng cal 9 MM, cal 45 pisÂtol.