Kris naghain sa korte para hindi makalapit sa kanila ang dating mister na si James Yap

MANILA, Philippines -Naghain kahapon ng temporary protection order (TPO) si Presidential sister Kris Aquino sa Ma­kati City RTC laban sa kanyang dating asawang basketbolistang si James Yap.

Sa petisyon ni Kris sa korte, hiniling na atasan ang kanyang dating asawa na layuan siya maging ang kanyang 5-anyos na anak na si “Baby James” at iba pang kasamahan sa bahay.

Nais nitong hindi ma­kalapit si Yap ng hang­gang 100 metro buhat sa kanilang bahay, paaralan ng anak, lugar ng trabaho at iba pang lugar na ma­dalas nilang puntahan.

Nagpasiya ang aktres na maghain ng petisyon matapos ang ginawa uma­nong malisyosong pahayag sa kanya ng dating asawa nang tumanggi si­yang makipagtalik nang bisitahin silang mag-ina noong Disyembre ng nag­daang taon.

Nagtungo umano sa kanyang condominium si Yap upang sunduin ang kanilang anak tulad ng naging kasunduan na pahihintulutan niyang makabisita ang dating asawa sa kanilang anak ng dalawang beses sa isang linggo.

Gayunman, nang nasa condominium na ang da­ting asawa, pumasok umano ito sa silid niya at tinangka siyang piliting makipagtalik. Sinabi pa nito na sa gitna ng kanyang pagtanggi, pumagitna ang kanilang anak at sinabihan ang ama na umalis na at huwag saktan ang kan­yang mommy.

Ang TPO ay isang probisyon sa ilalim ng umiiral na batas na nag­bi­bigay proteksiyon sa kababaihan at sa kanilang anak na magiging daan upang hindi makagawa ng anumang panggigipit o pananakit ang lalaki sa kanyang asawa.

 Ipinagkakaloob ito ng korte na tatagal ng 30-araw bagama’t maaari ring hilingin na maging permanente na ibabatay ng hukuman sa resulta ng isasagawang pagdinig.

 

Show comments