HS student nalunod sa pool

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 2nd year high school student matapos na malunod sa isang swimming pool sa San Miguel, Maynila  kahapon ng umaga.

Ang biktima ay naki­lalang si Timothy John Borlain, ng Victorino Mapa High School at residente ng 314 Barasoain, Little Baguio St., San Juan City.

Batay sa imbestigas­yon nagtungo ang biktima sa Student Club House Swimming Pool sa 1221 Abreu St., kanto ng Arlegui at San Miguel Sts. bandang alas-10:15 ng umaga kahapon kasama ang kanyang mga kaklase.

Hindi natagalan ay hu­mingi umano ng saklolo ang mga kasamahan ng biktima sa lifeguard na si Jomary Buan, 18 ng Sanciangco St., Malabon dahil sa nalulunod na si Borlain.

Naiahon naman mula sa tubig ang biktima at binigyan ng first aid sa pa­ma­magitan ng cardiac pulmonary resuscitation o CPR ngunit hindi nai­balik ang ulirat ng biktima. Dinala ang bikti­ma sa Mary Child Hospital, suba­lit idi­neklarang dead-on-arrival.

Show comments