Lalaki na maraming tattoo sinalvage
MANILA, Philippines -Isang lalaki na maraÂming tattoo sa katawan ang hinihinalang biktima ng salvage ang natagpuan kahapon ng umaga sa isang kalye ng subdivision, Brgy. North Fairview, Quezon City.
Ang biktima ay inilarawan ng pulisya na ang edad ay nasa pagitan ng 40-45; maliit ang katawan, may taas na 5’4â€; nakasuot ng berdeng damit at kulay itim na pantalon at may mga tattoo sa katawan na may pangalang Totoy Ramirez, Rolly Ramos, at Egay Sabbath.
Walang nakita na anuÂmang sugat sa katawan ang biktima na maaaring pinatay sa pagtakip ng plastic sa mukha nito kung kaya’t hindi nakahinga.
Ayon sa isang Henry Tactac, security guard na dakong alas-6:15 ng umaga ay nagsasagawa siya ng roving inspection sa binabantayang Fairmont Subdivision at pagdating sa isang bakanteng lote malapit sa isang bahay sa No.2 Bryant St. kanto ng Badger St., ay nakita niya ang bangkay ng biktima na nakahandusay at may tali ang mga kamay ng packaging tape.
Magugunita na noong Biyernes ay isang lalaki rin ang biktima ng salvage na natagpuan sa unahan ng isang alumiÂnum warehouse sa may Block 167, Lot 17 sa ComÂmonwealth Avenue, Barangay Greater Lagro, Quezon City.
Pinalalagay ng pulisÂya na iisa lamang ang susÂpek sa naturang mga kriÂmen.
- Latest