^

Police Metro

Pagbomba sa department store nasilat

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines -Naging maagap ang mga otoridad sa posibleng pam­bobomba matapos na ito ay kanilang masilat nang marekober ang isang mala­kas na improvised explosive device (IED) na ipinahatid sa isang tricycle driver sa isang department store sa Poblacion ng Isulan, Sultan Kudarat kamakalawa.

Sa ulat ng Isulan Poli­ce, bandang alas-11:55 ng umaga nang marekober ang pampasabog na inilagay sa ilalim ng pangkargang gulay na inabandona sa kulay asul na tricycle 3797 MV na minamaneho ni Jokarno Abas.

Sa pahayag ni Abas sa mga imbestigador, inutusan umano siya ng kaniyang pasaherong hindi nakila­lang lalaki na ihatid ang ba­gahe ng gulay sa isang department store malapit sa national highway ng Poblacion ng bayang ito.

Naghintay ang driver ng mahigit 30 minuto at ng hindi dumarating ang ka­niyang pasahero ay napilitan itong dumulog sa himpilan ng pulisya kung saan nang suriin ang bagahe ay natuklasang may bomba sa ilalim nito.

Agad namang nai-diffuse ng mga nagrespondeng Explosives and Ordinance (EOD) team ng pulisya ang bomba na gawa sa dalawang 60 MM mortar na ginamitan ng cellphone bilang triggering device bago pa man ito sumabog.

Pinaniniwalaan namang pangingikil sa nasabing department store ang motibo ng nasilat na pagpapasabog.

EXPLOSIVES AND ORDINANCE

ISANG

ISULAN

ISULAN POLI

JOKARNO ABAS

NAGHINTAY

PINANINIWALAAN

SHY

SULTAN KUDARAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with