MANILA, Philippines - Tatlong senador at isang partylist representative ang nakapagbigay ng pondo na umaabot sa P206 milÂyon kay Agriculture Secretary Proceso Alcala para sa isang non-government organization na Pangkabuhayan Foundation Inc., na napag-alaman na isa palang pekeng samahan.
Inamin ni Senate President Pro Tempore Sen. Jinggoy Estrada, na nagagalit siya dahil hindi pala nakaraÂting sa mga magsasaka ang pondo na dapat gamitin sa kanilang pagsasaka.
Bukod kay Estrada, lumabas din sa report ng Commission on Audit na kasama rin sa naglaan ng pondo sina Senate President Juan Ponce Enrile at Sen. Ramon Revilla Jr., na umaabot sa P195 milyon sa mga kuwestiyonableng NGOs noong 2011 at si dating Buhay partylist Rep. Rene Velarde.
Sinabi pa ni Estrada nagtiwala siya sa DA na totoong NGO ang piÂnagÂlaanan niya ng kanilang PrioÂrity Development Assistance Fund (PDAF) matapos umanong magbigay ng
sertipikasyon ang tanggapan ni Sec. Alcala.
Kaya naman sinisiÂsi ng tatlong senador si Sec. Alcala kung paano nakalusot ang nasabing kuwestiyonaÂbleng NGO .