Alapag at Dillinger kinasuhan ng tax evasion

MANILA, Philippines - Sinampahan ng tax evasion ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Department of Justice ang dalawang Talk and Text Tropang Texters PBA players na sina Jimmy Alapag at  Jared Ryan Dillinger  dahil sa paglabag sa tax law.

Si Dillinger ay bigong mag-file ng kanyang Percen­tage Tax Return (PTR) para sa  taxable year 2008, bigong mag-file ng kanyang Value Added Tax (VAT) Returns para sa taxable years 2009, 2010, 2011 at 2012 na pag­labag sa sections 254, 255 at 275 ng National Internal Revenue Code of 1997 o Tax Code.

Si Dillinger ay tumanggap ng sahod na may halagang P22.19 milyon mula 2008 hanggang 2012 at may kabuuang tax liabi­lity na P13.37 milyon mula 2008  hanggang 2012. 

Kinasuhan din ng tax evasion si Alapag dahil sa di pagbabayad ng tamang buwis mula 2007 hanggang 2012 gayung kumita ito ng P32.28 milyon mula  2007 hanggang  2012.

 

Show comments