1 patay, 4 sugatan sa taga ng naburyong na mister
MANILA, Philippines - Pinasok ng isang lalaÂking naburyong dahil sa problema ang isang bahay at pinagtataga rito ang apat na miyembro ng pamilya na maÂhimbing na natutulog na ikinasawi ng padre de pamilya habang nasugatan ang apat na iba pa kabilang ang isang pulis na rumesÂponde kamakalawa ng gabi sa Mangaldan, PangaÂsinan.
Ang biktima na namatay noon din dahil sa taga sa leeg ay nakilalang si Florentino Molano, nasa hustong gulang, traffic enforcer.
Ang suspek na napatay ng mga rumespondeng pulis ay nakilalang si Jose Pinullar, 58-anyos, residente rin ng nasabing lugar.
Nasugatan naman ang mga kasambahay ni Molano na sina Arnel Grajo, 48; MiÂnerva Moulic, 4; anak nitong si Giamel, 5; at ang pulis na kabilang sa arresting team na tinukoy lamang sa paÂngalang si SPO3 Abrazado; pawang nilalapatan na ng lunas sa Region 1 Medical Center.
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-10:00 ng gabi ay mahimbing na natutulog ang mga biktima nang ito ay pasukin ng suspek na armado ng itak at pinagtataga ang mga ito.
Nagresponde sa lugar ang mga operatiba ng pulisÂya pero sa halip na sumuko ay dinaluhong ng suspek ang mga pulis na ikinasugat ni SPO3 Abrazado bunsod upang mapilitan ang mga kasamahan nito na barilin ang suspek na siya nitong ikinamatay.
- Latest