Electrician nakuryente, patay

MANILA, Philippines - Isang electrician ang  nasawi matapos itong makuryente habang nagtatrabaho sa isang itinatayong gusali ng hotel sa Brgy. Lapasan, Cagayan de Oro City.

Ang nasawi ay nakilalang si Arnold Valerio, 42-anyos na matagal ng nagtratrabaho bilang electrician at tubong Ba­lingasag, Misamis Orien­tal.

Sa ulat ng Cagayan de Oro City Police, dakong alas-8:00 ng umaga nitong Martes nang ma­diskubre ang bangkay ng biktima sa ikaapat na palapag ng itinata­yong 36 storey hotel ­sa lungsod.

Ang bangkay ng biktima ay kinakitaan ng mga paso o sunog sa katawan sanhi ng malakas na boltahe ng kuryente na dumaloy sa katawan nito.

Hindi umano napansin ng mga kasamahang mangagawa ang biktima ang sinapit nito kung saan nitong Lunes ng hapon ay posibleng nakuryente ito at kahapon lamang ng umaga nadiskubre ang insidente.

Show comments