^

Police Metro

Pagbitay sa OFW muling naudlot

Ellen Fernando - Pang-masa

MANILA, Philippines - Muling naudlot ang nakatakda sanang pagbitay ngayon sa overseas Filipino worker (OFW) na si Joselito Zapanta sa Saudi Arabia matapos na magbigay ng panibagong 3-buwang extension ang Saudi go­vernment upang maibigay ang P44 milyong blood money na hinihingi kapalit ng buhay at kalayaan ng Pinoy.


Ayon kay Vice President Jejomar Binay, tumatayo ring Presidential Adviser on OFWs’ Concerns na naging positibo ang tugon ng Saudi King sa liham at kahilingan ni Pangulong Benigno Aquino III, at pamilya Zapanta, 32-anyos, tubong Pampanga na sagipin sa takdang pagbitay kay Zapanta.
Ang ina at kapatid na babae ni Zapanta ay nasa Riyadh sa tulong ng Office of the Vice President at Department of Foreign Affairs (DFA) upang personal na makiusap sa Saudi authorities at pamilya ng napatay na Sudanese national na ma-extend ang palugit na ibinigay sa kanila upang maipasa at makalikom ng P44 milyong o 4 milyong Saudi Riyal na blood money.
 Si Zapanta ay nagtatrabaho bilang tile setter ay hinatulan ng kamatayan ng Saudi Court of First Instance noong Abril 2010 matapos na mapatay at umano’y pagnakawan pa ang Sudanese landlord noong Hunyo 2009.

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

JOSELITO ZAPANTA

OFFICE OF THE VICE PRESIDENT

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PRESIDENTIAL ADVISER

SAUDI ARABIA

SAUDI COURT OF FIRST INSTANCE

SAUDI KING

SAUDI RIYAL

ZAPANTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with