Lady jail guard nagbaril sa sarili

MANILA, Philippines - Tinapos ng isang 33-anyos na babaeng jail guard ng  Albay District Jail na nakilalang si JO1 Loutchie Corral, ang sariling buhay sa pamamagitan nang pagbaril sa sarili sa kuwarto ng kanyang bahay kamakalawa sa Lakandula Drive, Brgy. Gogon, Legazpi City, Albay.

Sa ulat, bandang alas-11:00 ng umaga nang madiskubre ng nakababatang kapatid ng biktima na naliligo sa sariling dugo ang kaniyang ate sa loob ng silid nito.

Nakuha sa crime scene ang isang cal 9 MM  Pietro beretta pistol, cartridge ng nasabing armas.

Nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang pulisya  sa posibleng may foul play matapos na matagpuan ang biktima na nakahiga sa kaniyang kama.

Lumilitaw rin na bago naganap ang insidente ay nag-file ng bakasyon ang biktima dahilan may aasikasuhin umanong importanteng bagay.

Show comments